DZRH Dos por Dos Interview with NIA Administrator - July 2, 2024
PANOORIN: Noong ika-2 ng Hulyo 2024, isinagawa ang isang panayam sa DZRH Dos por Dos na pinagunahan ni Anthony Taberna at Gerry Baja kasama ang Administrator ng Pambansang Pangisawaan ng Patubig (National Irrigation Administration) na is Engr. Eduardo Guillen upang talakayin and mga updates ukol sa NIA Contract Farming.
"Maganda ang tubo ng pananim at masaya and ating mga magsasaka". Ito ang unang bungad ng NIA Administrator sa panayam. Ikinagagalak niyang ibinalita na inaasahang mag-aani ng bigas ang NIA mula sa tinatalagang 20,000 ektaryang lupain na sakop ng contraact farming ngayong ikatlo linggo ng Hulyo. Inaasahan rin na makokolekta and 50,000 tons na ani sa buwan ng Agosto.
Isinaad din niya ang mga programa at inagurasyon na magaganap katulad ng “Rice Processing Systems” na proyekto ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Inilarawan niya na magkaroon ng rice processing system na mayroong kapasidad na 3.2 tons per hour na ani. Saad ng NIA Administrator na hindi lamang layunin nito ang pababain ang presyo ng bigas, kundi kinakailangan din na hindi masakripisyo ang kinikita ating mga magsasaka.
At higit sa lahat, ang mga naaning bigas mula sa Contract Farming ay maibebenta ng P29.00 kada kilo at inaasahang magiging bukas sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Kadiwa Centers.
Nang dahil sa Convergence Efforts na isinasagawa ng NIA kasama ang Department of Agriculture (DA), Department of Public Works and Highways (DPWH) sa water management, PhilMech, Local Government Units (LGUs), at iba pa, maaabot ang layunin ng Bagong Pilipinas na maging sapat ang suplay ng bigas.
“By 2025, malaki ang mababawas sa importation natin,” saad ni Engr. Guillen. Sa buwan ng Oktubre, itatakda ang ikalawang cropping na alinsunod sa cropping calendar na isinagawa ng NIA. Mula dito, magtutulungan ang NIA katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para sa masaganang buhay at ani ng mga bayaning magsasaka.
Video Courtesy: PTV (https://www.facebook.com/dzrhtv/videos/827885569317763 )
Huwag kakalimutan mag Follow, Like, at Share ng aming page: https://www.facebook.com/nia.gov.ph. Kung mayroon kayong mga katanungan, komento, at suhestiyon, mag-email lamang sa pais@nia.gov.ph
#BagongPilipinas
#NIAGearUp
#bayaNIAn
#TuloyAngDaloyNIA
#NIA