ANI NG PAG-ASA: PAGBABA NG PRESYO NG BIGAS, PAGTAAS NG KITA NG MGA MAGSASAKA

June 6, 2024, 3:04 PM

Noong ika-4 ng Hunyo, isinagawa ang isang panayam sa Programang Agribusiness na kasama si National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engr. Eduardo Eddie G. Guillen upang talakayin ang mga paraan kung papaano nga ba pababain ang presyo ng bigas at itaas ang kita ng mga magsaskaka.

Bilang panimula ng panayam, tinalakay nila ang Contract Farming, na isang programa ng NIA.

INBRED AT HYBRID

Sa programang Contract Farming, mayroong dalawang uri ng seeds na binibigay ang NIA: Inbred at Hybrid. 

Sa Inbred, ang magiging regular na yield ay 5 metric tons kada ektarya o 3,150 kgs na bigas kung gagamitin  ang 63% milling recovery rate ng NFA. Ito ay magreresulta ng P9.50 o hindi lalampas ng P10 ang total production cost. 

Samantala sa Hybrid, ang magiging regular yield naman ay 8 metric tons kada ektarya o 5,040 kgs na bigas kung gagamitin ng 63% milling recovery rate ng NFA. Ito naman ay magreresulta sa P9.92 na total production cost.

WHOLE VALUE CHAIN

Kaugnay sa Contract Farming ng NIA, nais ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na makuha ng ating mga magsasaka ang whole value chain. 

Ang buong value chain na ito ay katulad ng proseso ng pag-ani ng palay hanggang sa ito ay maging bigas. Sinasabayan ng NIA Administrator ang konsepto ng buong value chain mula sa pagsusuri ng lupa, pagpaplano ng pondo, paghahanda ng sakahan, insurance, marketing, at iba pa.

“At hindi ito nagtatapos dito, pati rin sa marketing. At ang cooperative, babalik sa kanila ang kita mula sa patronage refund at patronage refund,” sabi ni Engr. Eddie Guillen. 

IAS TO COOPERATIVE

Pero bakit nga ba kailangan buuin ang mga IA bilang kooperatiba? 

Sa pamamagitan ng kooperatiba, mas madaling makaka-access ang mga miyembro sa mga makinarya mula sa PhilMech tulad ng transplanter, rice processing system (RPS), dryer, at iba pang mga kagamitang pangsaka. Sa ganitong paraan, mas mapapadali ang proseso ng pagsasaka. Bukod dito, nagiging mas madali ang pagkakaroon ng suporta mula sa gobyerno at iba pang institusyon kapag organisado bilang kooperatiba. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng mas mataas na kita, at mas magandang oportunidad ang mga magsasaka. 

COMPLEMENTATION O COMPETITION?

Ayon kay Engr. Eddie Guillen, ang aspirasyon ng ating pangulo ay maraming matutulungan, maging ang ating mga traders. 

“Ito ba ay magiging competition na ito between the traders and the farmers? Of course not,” ani ni Engr. Guillen. 

Sa pamamagitan consolidate farming ng NIA, iisang variety ng palay ang itatanim ng magsasaka na maaring bilhin ng mga traders. Kapag giniling ang mga palay ng mga traders, mas mataas ang kalidad ng palay na kanilang ma-produce, na magbubunga ng mas malaking kita para sa kanila. Kaya’t hindi ito magiging kompetisyon kundi isang complementaryeng hakbang na magdudulot ng pakinabang para sa lahat.

CONVERGENCE 

Upang mapalakas pa ang programa ng NIA at masiguro ang pagkakaroon ng buong-suporta mula sa iba't ibang sektor, nagkaroong din ng convergence ang NIA kasama ang, Philmech, Cooperative Development Authority (CDA), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Philippines Crop Insurance, at iba pang katuwang na ahensiya. 

Ganoon na din ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na gagawing water management ang flood control na mayroong layunin na i- utilize ang mga water facilities tulad ng mga sistema ng irigasyon at suplay ng tubig para sa mga tahanan. 

Ang pagsasama-samang ito ng iba't ibang ahensya ay simbolo ng crossroads sa sektor ng agrikultura—isang mahalagang punto kung saan nagtatagpo ang iba't ibang landas at nagkakaisa ang iba’t-ibang sanga ng ahensiya para sa iisang layunin na nagreresulta sa mas epektibong paggamit ng mga resources at teknolohiya.                                       

LOW PRODUCTIVITY

Sa pagtalakay ng mga bahagi ng NIA Contract Program, tinalakay din sa panayam ang problema sa agrikultura.                      

“If low ang productivity, kailangan ng patubig para tumaas ang productivity mo,” ani ng NIA Adminstrator.

Ang pangunahing problema sa agrikultura ng Pilipinas ay ang “Low Productivity”. Upang mapataas pa ang ani ng mga magsasaka, kinakailangan ang pagpapabuti ng sistema ng irigasyon. Kailangan din ang pagpapalawak ng saklaw ng irigasyon at ang pagpapadali sa pag-access ng mga magsasaka sa mga bagong teknolohiya sa pagsasaka. Sa suporta ng kongreso, magagawa itong mga hakbang Sa suporta ng kongreso, magagawa itong mga hakbang upang maisakatuparan ang pag-unlad sa sektor ng agrikultura.

SUBSIDY NG MAGSASAKA, ITINAAS

“From P150 to P500 per HA. Ang IAs, alam ito,” saad ng NIA Administrator.

Ang mga IAs ay parang  gears sa isang makina. Sila ang tumutulong upang ma-maintain ang mga sistema ng irigasyon. Samantala, ang NIA naman ang nage-evaluate ng patubig, at ito ang binabayaran nila. Ang mga IAs ay gumagawa ng paraan upang mapatubigan ang mga sakahan sa pamamagitan ng AWD Technology. 

Sa karagdagang subsidy, inaasahan din ang pagdami ng mga proyektong pang-irigasyon at pagpapahusay ng kasalukuyang imprastruktura. Ang mga magsasaka ay magkakaroon ng mas maraming oportunidad na gamitin ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagtatanim, na makakatulong sa pagpapataas ng kanilang ani at kita. Sa ganitong paraan, natutugunan ang mga hamon sa agrikultura at naipapaabot ang suporta ng gobyerno sa mga magsasaka para sa mas produktibong agrikultura.

ALTERNATE WETTING AND DRYING

Ayon kay Engr. Eddie Guillen, mayroong tatlong (3) benepisyo ng paggamit ng AWD sa pagsasaka:

Nakakatipid ng 30% na tubig: Ang AWD ay isang pamamaraan na nagreresulta sa mas matipid na paggamit ng tubig, na lubos na nakakatulong sa pag-manage ng mga reserbang tubig.
Mayroong carbon credit: Kapag gumagamit ng AWD, hindi gaanong naglalabas ng methane ang mga sakahan. Dahil dito, nakakatanggap ang mga magsasaka ng carbon credit, na nagreresulta sa karagdagang kita para sa kanila.
Tumataas ang yield ng palay: Ang paggamit ng AWD ay nagpapataas ng ani ng palay. Isang halimbawa na inilahad ni Engr. Eddie Guillen ay ang karaniwang 8 tons, maaaring umabot ng 10 tons ang ani sa bawat ektarya.
Sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, ang AWD ay hindi lamang nagpo-promote ng sustainable farming practices kundi nagbibigay din ng dagdag na kita at mas mataas na produksyon para sa mga magsasaka.

“Yung halaman ay parang tao, kung nagutom, maghahanap ng pagkain. Kapag binaba mo yung tubig, yung  root system niya-hahabulin niya yung tubig. So gaganda yung absorptive capacity niya ng micronutrients, kaya pas Maganda yung palay, at mas malalim yung root system. Tumataas ang yield ng palay.”

Ang NIA ay may pilot project na AWD nationwide upang ipakita sa mga magsasaka ang mga benepisyo nito. Karagdahan dito, isinaad din ng NIA Administrator na marami nang nasimulan na proyekto ang ahensya, kabilang ang mga inauguration, lalo na sa mga darating na buwan

“Ang success ng agrikultura ay mayroong tatlong bagay. Kailangan may lupa, may tubig, at may tao. NIA ang tutugon diyan- may local, irrigation natin, Irigattors Association natin, so well-organized kasi—Alam ni pangulo kung ito ay matulungan talaga, aakyat lahat,” saad ni NIA Administrator Engr. Eddie Guillen. 

Panoorin ang buong panayam sa Agribusiness How It Works Official YouTube Channel: PAANO BABABA ang PRESYO ng BIGAS? Pero TATAAS ang KITA ng MAGSASAKA?:

https://www.youtube.com/watch?v=wUGdi8wb8-E 

#BagongPilipinas

#NIAGearUp

#bayaNIAn

#TuloyAngDaloyNIA

#NIA