PHILIPPINE AIR FORCE AT MGA AHENSYA, MATAGUMPAY NA NATAPOS ANG CLOUD SEEDING OPERATIONS SA ISABELA
MAGAT DAM, Isabela – Matagumpay na natapos ng National Irrigation Administration (NIA), Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (DA‑BSWM), at Philippine Air Force (PAF) ang Cloud Seeding Operations sa Magat Reservoir and Watershed sa Isabela ngayong araw, Agosto 26, 2026. Ang operasyon, na isinagawa sa loob ng isang buwan at may kabuuang 30 flight hours, ay bahagi ng agarang tugon ng pamahalaan sa matinding epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura, na may pondo mula sa Department of Agriculture – National Rice Program.
Ngayong araw, naitala ang water level ng Magat Dam sa 178.50 meters above sea level (masl). Ito ay malaking pag‑angat mula sa 159.76 masl noong Hulyo 16, 2026, ang pinakamababang water level ng Magat Dam ngayong taon. Sa kasaysayan ng Magat dam, ang pinakamababang elevation na naitala ay 149.75 masl noong Marso 28, 2010. Ang kasalukuyang pagtaas ng lebel ng tubig ay nagbigay ng mas malaking kapasidad para sa operasyon ng irigasyon sa Isabela at mga karatig‑probinsya.
Maliban sa cloud seeding operations, nakatulong din sa pagtaas ng antas ng tubig ang mga pag‑uulan dulot ng mga bagyo nitong Agosto, gayundin ng habagat, na nagbigay ng karagdagang inflow sa reservoir.
Binibigyang‑diin ni NIA Administrator Engr. Eddie G. Guillen ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya at nagpaabot ng pasasalamat sa Pangulo:
“Nagpapasalamat po kami kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang patuloy na suporta sa mga programang tumutugon sa pangangailangan ng sektor ng agrikultura. Ang tagumpay ng cloud seeding ay malinaw na patunay ng mahusay na pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya, at sa pamamagitan ng sabayang pagkilos at maayos na koordinasyon, nakapaghatid tayo ng agarang interbensyon para sa ating mga magsasaka sa gitna ng matinding tagtuyot.”
Ibinahagi naman ni DA‑BSWM OIC Director Denise A. Solano ang layunin ng operasyon at ang naging resulta ng pinagsanib na aksyon ng mga ahensya:
“This operation was designed as a quick response to the El Niño drought, not a long-term fix. And it proved the power of a successful inter-agency approach. Thanks to the collaborative effort and technical cooperation between the NIA, DA-RFO-2, PAF, and DA-BSWM, we achieved a 100% success rate—successfully increasing reservoir inflows, stabilizing water levels, and securing the necessary outflow for the dam’s vital operations.”
Ipinaliwanag naman ni Major Yusop C. Tang ng Philippine Air Force ang naging takbo ng operasyon at ang mga hakbang na isinagawa upang mapanatili ang kaligtasan ng mga sortie:
“With our CSOps, we were able to help increase the water level of the Magat Dam by at least 15 meters. Favorable weather systems such as the Southwest Monsoon enhanced by Tropical Cyclones entered PAR during the months of July and August made our operations convenient. Likewise, our dedicated aircrew and pilots from Fliteline Airways helped us manage the safety risk by maintaining the airworthiness of the aircraft while the assigned pilots ensured prompt and proper flight procedures.”
Ang pagtatapos ng Cloud Seeding Operations sa Magat Dam ay isa lamang sa mga hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng tagtuyot. May iba pang mga plano at interbensyon na ipatutupad sa mga susunod na buwan upang mas maprotektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka at masiguro ang patubig sa gitna ng El Niño.
Nakatakda ring magsagawa ng karagdagang cloud seeding operations sa iba pang rehiyon at dams, kabilang ang Pantabangan Dam, bilang bahagi ng patuloy na suporta ng mga ahensya upang mapanatili ang suplay ng tubig para sa irigasyon.
#RightProject #RightPrice #RightQuality
#bayaNIAn sa #BagongPilipinas

