PANGULONG MARCOS, PERSONAL NA SINURI ANG STO. CRISTO DAM SA PAMPANGA
NIA Region III – Personal na bumisita ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Sto. Cristo Dam sa Bayan ng Lubao, Pampanga upang inspeksyunin ang kondisyon ng pasilidad at kumustahin ang mga magsasaka at Irrigators Associations na naapektuhan ng matinding pag-ulan dulot ng Habagat.
Kasama ng Pangulo sina National Irrigation Administration (NIA) Senior Deputy Administrator Engr. Robert C. Suguitan, NIA Region III Acting Regional Manager Engr. Christian C. Manalo, NIA Pampanga-Bataan IMO Manager Engr. Ruben R. Llamas, Operations and Maintenance Chief of Porac-Gumain RIS Engr. Angelito David, Dating Pangulo na ngayon ay Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo, Pampanga Governor Lilia Pineda, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at ilang miyembro ng Gabinete.
Sinuri ng Pangulo ang kondisyon ng dam at ang mga agarang hakbang upang matugunan ang epekto ng pagtaas ng tubig at pag-ipon ng debris sa lugar. Patuloy naman ang clearing operations, monitoring, at structural assessment ng NIA, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Batay sa initial assessment, nananatiling buo at matatag ang pangunahing istruktura ng Sto. Cristo Dam, kabilang ang dam body, sluiceway, at upstream retaining walls. Ang naitalang pinsala ay limitado lamang sa right embankment slope protection.
Ang Sto. Cristo Dam ay bahagi ng Porac-Gumain River Irrigation System (PGRIS) at nagsisilbi sa humigit-kumulang 697.20 ektarya ng lupang sakahan at 684 magsasaka sa Lubao at mga karatig-bayan.
Kabilang sa mga planong isinusulong ng Pangulo ay ang pagre-restore ng mga nasirang irrigation facilities, at paglalagay ng log boom structure upang makatulong na mapigilan ang pagdaloy ng debris sa downstream at maiwasan ang pagbara sa mga daluyan ng tubig.
Patuloy ang pamahalaan sa agarang pagtugon sa Sto. Cristo Dam upang matiyak ang kaligtasan ng pasilidad at patuloy na serbisyo nito sa mga magsasaka at pamayanang pang-agrikultura.
#bayaNIAn sa #BagongPilipinas









