16,188 EMPLOYEES, 1 AGENCY

September 4, 2025, 6:18 PM

Mula sa 16,188 employees ng National Irrigation Administration (NIA) sa buong bansa, Happy 125th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA)!

Sa ilalim ng pamumuno ni Administrator Engr. Eddie G. Guillen, nakikiisa ang NIA sa Civil Service Commission (CSC) upang bigyang-pugay ang natatanging papel ng mga lingkod-bayan sa pagsulong ng pambansang kaunlaran, lalo na sa sektor ng irigasyon at agrikultura.

Gabay ang temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan,” kinikilala ng NIA ang dedikasyon at kontribusyon ng bawat kawani ng Ahensiya sa pagtupad ng mga layunin at hangarin ng #bayaNIAn sa #BagongPilipinas.